DA, nagbigay ng farming tools sa mga magsasaka sa Iloilo

Magbibigay ang Department of Agriculture (DA) ng higit 135 milyong pisong halaga ng farming equipment sa rice at corn farmers sa Iloilo.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar – nasa 27 hand tractors, 20 rice threshers, 20 pump engines, isang corn sheller, dalawang walk-behind transplanters, isang ride-on transplanter, apat na floating tillers, apat na mini four-wheel tractors at dalawang mobile dryers ang ipinamahagi.

Ang NFA-Western Visayas ay magbibigay din ng farming machinery sa mga kooperatiba para matiyak na may sapat na rice buffer stock.


Nasa 675,000 pesos na financial assistance na rin ang iginawad sa mga magsasaka habang ang Phil. Crop Insurance Corporation ay 147 million pesos na insurance coverage sa mga ito.

Facebook Comments