Pinalawak pa ng Department of Agriculture (DA) ang listahan ng mga produktong pang-agrikultura na pasok sa suggested retail price (SRP).
Sa inilabas na kautusan ni Agriculture Secretary William Dar, isinama na sa expanded SRP list ang bigas, itlog, pork liempo, locally produced na galunggong at cooking oil.
Narito ang SRP sa bigas:
Special na bigas: ₱51/kg
Premium rice: ₱42
Well-milled rice: ₱40
Regular rice: ₱39
Local rice:
Special rice: ₱53
Premium rice: ₱45
Well-milled rice: ₱40
Regular rice: ₱33
NFA rice: ₱27
Galunggong local: P130
Pork liempo: P225
Medium chicken egg: P 6.50
Cooking oil 30 ml: P24
Cooking oil 1 liter: P50
Siyam na pangunahing produkto ang nauna nang isinailalim sa SRP.
Kabilang dito ang pork (pigue/kasim) – ₱190; chicken (whole, dressed) – ₱130; sugar (raw, brown) – ₱45; (refined) – ₱50; milkfish or bangus (cage-cultured) – ₱162; tilapia (pond-cultured) – ₱120; galunggong (imported) – ₱130; garlic (imported) – ₱70; garlic (local) – ₱120; and red onion (fresh) – ₱95.
Ayon kay Dar, layunin nito na matiyak na may sapat at murang produkto na mabibili ang publiko habang may Enhanced Community Quarantine (ECQ).