
Gagamitin na ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang quick response fund upang mapabilis ang pagsasaayos sa mga nasirang sakahan ng mga magsasaka kasunod ng pananalasa ng Bagyong Crising at habagat.
Naglaan na rin ang Agricultural Credit Policy Council ng ₱400 million interest free na pautang sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Program para sa mga magsasaka.
Inatasan na rin ang Philippine Crop Insurance Corporation na bilisan ang pagbabayad ng pinsala sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.
Una rito, lumobo na sa ₱454.1 million ang pinsala sa agrikultura mula sa pinagsamang epekto ng bagyo at habagat.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for Operations Roger Navarro, apektado ng sama ng panahon ang 20,413 ektarya ng mga pananim at apektado rito ang 20,959 na mga magsasaka.
Karamihan sa mga napinsala ay 16,937 na mga magsasaka ng palay.
Mula sa 18,490 ektarya ng mga apektadong palayan, 3,504 ektarya ang idineklarang totally damaged o hindi na mapakinabangan.
Kabilang sa mga lalawigang matinding napinsala at ang Occidental Mindoro, Cagayan Valley, Palalwan, Tarlac at Nueva Ecija.









