Naglaan ng 150 milyong piso ang Department of Agriculture (DA) para matulungan ang mga magsasaka sa bansa na makontrol ang pamemeste ng “fall armyworm” sa kanilang sakahan.
Ayon sa DA, nag-deploy na sila ng mga crop expert at bumili na rin ng mga crop protection chemical at biocontrol agents na epektibong panlaban sa peste.
Nabatid na nasa 8,000 ektarya na ng mga pananim ng mais sa buong bansa ang apektado ng pamemeste, mula sa 208 munisipalidad at 47 lalawigan.
Facebook Comments