DA, naglaan ng ₱680-M bilang initial assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa Bicol Region na hinagupit ng Bagyong Rolly

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit ₱594 milyon sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para makakubra ng insurance claims ang abot 32,761 na magsasaka sa Bicol na matinding pinadapa ng Bagyong Rolly.

Tiniyak ng PCIC na makatatanggap ang mga insured farmers at fisher folks sa Bicol Region ng insurance claims na mula ₱10,000 hanggang ₱15,000 para sa napinsalang pananim, farm equipment, bangkang pangisda at fishing gears.

Personal na ibinigay ni Agriculture Secretary William Dar ang ₱90 milyon na halaga ng assistance sa agri-fishery sector na nagtamo ng matinding pinsala.


Kabilang sa ipinamahagi ng DA ay mga binhi ng hybrid rice, binhi ng mais at buto ng assorted na gulay, urea fertilizer, farm implements at fishing gears at paraphernalia.

Maaari ding mag-avail ng emergency at rehabilitation loan na nagkakahalaga ng ₱25,000 ang mga apektadong magsasaka sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program ng Agricultural Credit and Policy Council.

Batay sa mga initial estimates, naitala na sa ₱2.2 bilyon ang pinsalang tinamo ng agri-fishery sa Bicol Region.

Facebook Comments