DA, naglaan ng ₱50-M, para pabilisin ang paglulunsad ng ‘agri-industrial business corridor’ sa New Clark City at Taguig City

Target na mailunsad na sa susunod na dalawang linggo ang disenyo ng pinapangarap na ‘agri-industrial business corridor’ sa bansa.

Una rito ay ang New Clark City at sa Taguig City.

Sa virtual presser ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni Undersecretary Cheryl Marie Caballero na naglaan na ng tig-₱250 million sa ilalim ng Bayanihan Act 2 para sa paglalatag ng naturang agri-industrial hubs.


Ani Caballero, patuloy ang koordinasyon ng DA sa lokal na pamahalaan ng Taguig at sa mga grupo ng mga mangingisda para sa planong paglalatag ng mga floating fish cages at fish landing sa Taguig City.

Kasama rin dito ang pagpapatanim ng 16-kilometer bamboo plantations para sa disenyo ng probin-syudad.

Layon nito na mapataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka at mangingisda na nasa paligid ng Laguna Lake.

₱250 million din ang inilaan sa New Clark City para sa planong pagtatayo ng mga imprastraktura para makalikha ng producers market na magpapasigla sa economic activity sa Tarlac at ibang probinsya sa Central at Northern Luzon.

Facebook Comments