LINGAYEN, PANGASINAN – Naglaan ang Department of Agriculture ng aabot sa 637.5 milyon na halaga ng agricultural projects para sa sector ng mga magsasaka sa lalawigan.
Ito ang pahayag ni Department of Agriculture Secretary William D. Dar sa kanyang muling pagbisita sa Probinsya ng Pangasinan sa Pangasinan Training and Development Center II.
Bahagi ng nasabing pondo ang Rice Competitive Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance, machineries, at iba pang agricultural inputs.
Kabilang rin sa nakalaang pondo ang African Swine Fever Indemnification fund at hog industry repopulation sa Pangasinan.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng Pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa tuloy-tuloy na suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng DA bilang pagkilala sa mga magsasaka sa buong probinsya.###