Inihayag ngayon ng Department of Agriculture (DA) na may 8,000 ektarya na ng mga pananim ng mais sa buong bansa ang apektado ng pamemeste ng ‘full army worm’.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, naglaan na ng P150 milyon ang DA para tulungan ang mga magsasaka na makontrol ang pinsala sa mga pananim.
Dagdag pa ng kalihim na magde-deploy na rin ng mga crop expert ang ahensiya at bumili ng crop protection chemicals at biocontrol agents na epektibong panlaban sa peste.
Unang naiulat ang fall army worms noong June 19 sa Piat, Cagayan at kumalat na ito hanggang sa Mindanao.
Nabatid na nasa 4,214 ektarya na ng maisan sa Cagayan Valley ang nasira na, sinundan ng SOCCSKSARGEN na mayroong 1,730 ektarya, Northern Mindanao na mayroong 882 ektaraya at Zamboanga Peninsula na mayroong 665 ektarya.
Sa ngayon, mayroong 208 munisipalidad at 47 lalawigan ang apektado na ng full army worms.