DA, naglaan ng P280-M para sa meat cold storage at Post Harvest Centers sa tatlong piling lalawigan

Magtatayo na ng cold storage warehouses na kumpleto sa meat-cutting facilities ang Department of Agriculture (DA) at National Meat Inspection Service (NMIS) sa apat na lugar sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, pinondohan ang proyekto ng P280 milyon.

Ang mga pasilidad ay ilalagay sa Pampanga, Tanauan at San Jose sa Batangas at Malagos, Davao del Sur.


Naniniwala ang DA na masusuportahan ng mga itatayong pasilidad ang mga hog at poultry sub-sectors sa bansa para maka-rekober sa pagkalugmok sa African Swine Fever at COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ng kalihim na makikipag partner ang DA at NMIS sa hog farmers at poultry raisers, industry stakeholders at mga Local Government Units (LGUs) sa Pampanga, Batangas at Davao para sa operasyon at pamamahala ng cold storage at meat-cutting facilities.

Facebook Comments