
Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang higit ₱3-B halaga ng tulong para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay Assistant Secretary Arnel de Mesa, sakop ng tulong ang agricultural inputs, gamot, at biologics, Survival and Recovery (SURE) Loan at indemnification.
Ang tulong ay gagamitin para sa mga naapektuhan ng Tropical Depression “Mirasol,” Super Typhoon “Nando,” at ang kasalukuyang pananalasa ng Bagyong Opong.
Tinatayang nasa 2.2-M na ektarya ng sakahan ang nanganganib na mapinsala dahil sa epekto ng Bagyong Opong.
Batay sa datos ng DA-DRRMO, kabilang dito ang 1.6-M hectares ng pananim na palay at 520,131 hectares ng pananim na mais.
Facebook Comments









