DA, naglabas na ng paunang ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Tisoy

 

Inanunsyo ng Department of Agriculture na naglabas na sila ng paunang tulong para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Tisoy sa Bicol Region, CALABARZON at MIMAROPA.

 

Sinabi ni Agriculture Sec. William Dar, aabot sa 250 million pesos ang Quick Response  Fund ang kaniyang ipinalabas upang pondohan ang rehabilitasyon ng mga sakahan at palaisdaang winasak ng bagyo.

 

Aabot din anya sa 104,984 na kaban na mga punlang palay, 10,811 na kaban ng punlang mais at 2,179 na kilong punlang gulay ang ipamimigay sa mga magsasaka.


 

Mayroon ding inilabas na 65 million pesos para sa Survival Recovery Program sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council habang nakahanda na rin ang pondo ng Philippine Crop Insurance Corporation para bayaran ang mga nasirang pananim.

 

Aminado ang kalihim na hanggang ngayon ay hirap silang makakuha ng datos ng nasirang agricultural products sa mga lugar na sinalanta ng bagyo dahil sa mga nasirang pasilidad ng komunikasyon.

Facebook Comments