Naglatag na ng mga programa ang Department of Agriculture (DA) para maibalik sa normal ang lokal na suplay ng karneng baboy sa bansa.
Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Proclamation no. 1143 na nagdedeklara ng State of Calamity sa buong bansa sa loob ng isang taon dahil sa epekto African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa loob ng tatlong taon ay maglalaan ng 27 bilyong piso ang ahensiya para sa mga programa.
Nilalaman ito ng pakikipagtulungan ng ahensiya sa mga lokal na pamahalaan na tutulong sa mga backyard raisers hanggang sa mga commercial hog raisers upang maibalik ang sigla ng mga mambababoy.
Sa ngayon, tinatarget na ng DA na maipalabas ngayong linggo ang pinakabagong Suggested Retail Price (SRP) sa mga imported na karneng baboy alinsunod sa itinaas na Minimum Access Volume (MAV) sa mga ito.