Naglatag na ang Department of Agriculture (DA) ng mga checkpoint sa buong Luzon bilang tugon sa mabilis na pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa Batangas.
Ang mga checkpoint ay pansamantalang hakbang habang hinihintay ng gobyerno ang pagdating ng mga bakunang ASF.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Swine and Poultry Dr. Constante Palabrica, ang karagdagang border controls ay idinisenyo upang pigilan ang paggalaw ng mga may sakit na baboy na naging dahilan sa mabilis na pagkalat ng ASF sa Batangas.
Ang bagong outbreak ng ASF ay nagbunsod sa ilang bayan sa Batangas na magdeklara ng state of calamity.
Ayon sa monitoring ng Bureau of Animal Industry (BAI), kumalat na ang ASF sa lahat ng 17 rehiyon ng Pilipinas at apektado ang 74 na lalawigan.
Nasa 64 na munisipalidad sa 22 probinsya ang nag-ulat ng aktibong kaso ng ASF.