DA, nagpadala ng ayuda sa mga magsasaka na biktima ng lindol sa Mindanao

Nagpadala na rin ng ayuda ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka na biktima ng serye ng lindol sa Mindanao.

Binigyan ng DA ng dalawandaang sako ng bigas ang mga magsasaka sa munisipalidad ng Kidapawan City, M’lang, Tulunan, at Makilala sa North Cotabato.

Naglagay din ang ahensya ng 30 units na solar-powered lights sa iba’t ibang evacuation centers.


Lumikha na rin ang DA Regional Field Office 12 ng tatlong technical teams na mag-a-assess sa structural integrity ng mga agricultural facilities na sinira ng malakas na lindol.

Batay sa pagtaya ng DA, abot sa P4.55 million ang iniwang pinsala ng lindol sa North Cotabato.

Nagtayo din ang DA-RFO 12 ng command center sa Barangay Balindog, Kidapawan City para sa distribusyon ng  mga  relief items.

Facebook Comments