DA, nagpadala ng recovery operations team sa Bicol at Northern Samar

Nagpadala ang Department of Agriculture (DA) recovery operations team sa Bicol at Northern Samar para tulungan ang mga magsasaka na makabangon sa pananalanta ni bagyong Usman.

Itinalaga ni Agriculture Secretary Manny Piñol si Undersecretary Ariel Cayanan na mamuno sa binuong recovery operations team.

Batay sa datos ng DA Operations Center, pumalo na sa P300-million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng bagyong Usman.


Kabilang sa gagawing recovery interventions ay ang agarang pamamahagi ng mga binhi, mga farm inputs.

Kritikal sa ngayon ang sitwasyon sa Bicol Region at Northern Samar kung kaya at kinakailangan na agad na muling makapagtanim ang mga magsasaka.

Inatasan din ni Pinol ang Philippine Crop Insurance Corp. na madaliin ang damage assessment at agad ibigay ang insurance payments sa mga apektadong magsasaka.

Pinaghahanda naman ang Agricultural Credit Policy Council para sa pagpapalabas ng survival and recovery loan funds.

Pinatitiyak naman sa National Food Authority (NFA) ang sapat na suplay at mura ang bigas sa merkado sa mga apekyadong lugar.

Facebook Comments