DA, nagpalit ng hog industry recovery program para tulungan na makabangon ang hog industry at mabawasan ang pork import

Naglabas ang Department of Agriculture (DA) ng mga alituntunin para sa isang bagong programa sa hog breeding at productions.

Layon nito na matulungan ang industriya ng pagbababoy na pinadapa ng epekto ng African swine fever (ASF) at upang bawasan ang importasyon ng baboy.

Inaasahang papalitan ng Modified Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o Modified INSPIRE ang humigit-kumulang 60,000 metric tons o humigit-kumulang 10% ng imported na baboy.


Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 28, ang bagong istratehiya ay nakatutok sa sow-weaner operations sa pamamagitan ng pagtatatag ng multiplier at production farm na gumagamit ng artificial insemination.

Ang mga benepisyaryo ay inaatasan na magpapatibay ng mga modern climate-controlled systems or conventional facilities na sumusunod sa antas ng biosecurity 1.

Ang mga multiplier farm ay mamamahagi ng mga breeding stock sa mga miyembro habang ang mga biik mula sa mga production farm ay ipapamahagi o bebenta sa mga rehistradong mamimili o malalaking kompanya ng baboy.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na sa pamamagitan nito, mababawasan ang mga panganib sa ASF at mapanatili ang produksyon ng biik.

Magiging mahusay rin ang pagsubaybay ng mga kooperatiba at asosasyon ng mga magbababoy pinangangasiwaan ng mga lokal na tanggapan ng Bureau of Animal Industry (BAI).

Facebook Comments