Nagpadala ng karagdagang ayuda ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Isabela matapos ang pananalasa ng nagdaang Bagyong Ulusses.
Inilunsad ni Agriculture Secretary William Dar ang distribusyon ng Cash and Food Subsidy para sa marginal sectors.
Tinatayang abot sa 7,231 magsasaka mula sa 4th hanggang 6th class municipalities ng lalawigan ang benepisyaryo ng tig-P5,000 assistance at bigay na bigas, manok at itlog.
Kasama ni Secretary Dar sa pamamahagi ng tulong ang iba pang national at local officials ng pamahalaan sa lalawigan.
Kabilang ang mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ang lubhang nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses.
Facebook Comments