DA, nagpasaklolo sa NBI kaugnay sa umano’y pagpapakamatay ng mga naluging magsasaka sa Nueva Ecija

Humingi ng tulong ang Department of Agriculture (DA) sa National Bureau of Investigation (NBI) upang masusing imbestigahan ang mga kumakalat sa social media na balita tungkol sa tatlo magsasaka mula Nueva Ecija ang kinitil umano ang kanilang sariling buhay dahil sa mababang presyo ng palay.

Matatandaan na nauna nang sinabi ng DA na ito ay salungat sa resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon at salaysay ng pamilya ng mga magsasakang nasawi.

Sa liham na isinumite ng DA sa NBI nitong Lunes, hiniling ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang masusing imbestigasyon hinggil sa naturang insidente upang mabatid ng publiko ang buong katotohan sa likod ng mga alegasyon.


Ayon kay Sec. Laurel, hinimok nito ang publiko na hayaan na muna ang mga pamilya na magdalamhati nang tahimik tungkol sa nasabing pangyayari.

Magbibigay rin aniya sila ng anumang tulong na kinakailangan sa mga pamilyang naulila.

Giit ng Kalihim, ang mga hamon na kinahaharap nito sa National Food Authority kung saan nabibili sa P18 per kilo ang sariwang ani ng palay, at P24 naman para sa malinis at tuyong palay.

Facebook Comments