Nagpatupad ang pamahalaan ng temporary ban sa pag-aangkat ng poultry meat mula Brazil.
Ito ay matapos madiskubre ang SARS-COV-2, isang causative agent ng COVID-19 sa chicken wings na inangkat sa Latin American country patungong Shenzhen, China.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nagpatupad ng ban bilang pag-iingat na rin.
Nakasaad sa Republic Act 10611 o Food Safety Act of 2013, mahalagang may ipinapatupad na precautionary measures kahit ang available na impormasyon para sa risk assessment ay hindi sapat para patunayang ang nasabing uri ng produkto o pagkain ay banta sa kalusugan ng consumer.
Ang attached agencies ng DA gaya ng Bureau of Animal Industry (BAI) at National Meat Inspection Service (NMIS) ay aktibong mino-monitor ang COVID-19 related outbreaks sa foreign meat establishments.
Pagtitiyak ng DA sa publiko na ang chicken products na nasa merkado ay ligtas na kainin.
Inirerekomenda ng DA sa mga may-ari ng poultry farm at slaughterhouse na magpakonsulta sa kanilang lisensyadong veterinarians para nababantayan ang biosafety at biosecurity measures.
Hinikayat din ng ahensya ang publiko na iberipika ang mga impormasyon mula sa BAI o sa NMIS.
Ang Brazil ang kasalukuyang pinakamalaking poultry meat exporter sa buong mundo at ika-apat na pork exporter.