DA, nagpatupad ng pork at poultry ban sa apat na bansa

Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng pork products mula sa Malaysia at poultry products mula sa Sweden, France, at Denmark.

Ito ay kasunod ng malawakang outbreaks mula sa mga nasabing bansa.

Ayon sa DA, ang mga domestic at wild pigs at mga produkto nito tulad ng pork meat, pig skin mula sa Malaysia ay hindi mula papapasukin sa Pilipinas bunsod ng outbreak ng African Swine Fever (ASF) doon.


Ang pag-aangkat naman ng domestic at wild birds kabilang nag poultry meat, day old na sisiw mula sa Sweden, France at Denmark ay sususpindehin muna dahil sa outbreak ng pathogenic avian influenza.

Anumang shipment na naglalaman ng mga nasabing produkto mula sa apat na bansa ay kukumpiskahin ng mga awtoridad at haharangin na sa mga majort ports.

Facebook Comments