DA, nagsagawa ng Oplan Rescue Buy sa Batanes

Courtesy: Department of Agriculture - Inspectorate and Enforcement

Tumalima ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos na tulungan ang mga magsasaka kaya’t nagsagawa ang kagawaran ng tinatawag na Oplan Rescue Buy sa Batanes.

Ayon sa DA, partikular na ibinayahe ng DA Office of Inspectorate and Enforcement ay ang aning bawang ng mga magsasaka ng Batanes na aabot sa 18 tonelada.

Ikinatuwa naman ng DA ang tulong ng mga tauhan ng Philippine Navy na siya katuwang ng ahensiya sa pagdadala ng mga produkto mula Batanes patungo ng Sual, Pangasinan.


Nagpapasalamat ang DA na maayos na ihatid ang mga produkto sakabila ng bahgyang nakaranas ng masamang panahon ang barko ng Philippine Navy.

Umaabot sa halos ₱2 milyong halaga ng mga bawang ng Itbayat Garlic Farmers Producers Association na binili ng Fredh Bu PH ng Baguio City.

Ayon kay Assistant Secretary James Layug ng Office of Inspectorate and Enforcement, pinatitingkad ng aktibidad ang tinatawag na farm-to-market linkage program na makatutulong sa mga magsasaka upang mapagbuti ang kanilang kabuhayan at matulungan ang kanilang pamilya

Paliwanag pa ni Layug na nagsisilbi rin aniyang tulay ang Office of Inspectorate and Enforcement ng DA upang mapag-ugnay o mapagdugtong ang mga ahensiya ng gobyerno at magsasaka.

Dagdag pa ng opisyal na naisakatuparan ito matapos ang isinagawang pagbisita ng opisyal sa Batanes kung saan nabuo ang pagsisikap ng DA na maibenta sa ibang lugar ang mga naaning bawang sa Batanes.

Facebook Comments