Nagsalita na ang Department of Agriculture (DA) kaugnay ng inihaing sa diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa China dahil sa pagkumpiska ng mga Chinese Coast Guard sa mga payaos o kagamitan sa pangingsida ng Filipino fishermen sa bahagi ng Bajo de Masinloc noong May 2020.
Ayon sa DA, kasunod ng inihaing asunto ng DFA sa China, agad silang umaksyon upang alalayan ang mga mangingisda na makabangon sa kanilang kabuhayan.
Nagpalabas ang DA ng ₱8.6 milyon sa Zambales para sa livelihood at technical assistance package sa mga mangingisda.
Pinayuhan ng DA ang mga fisherfolk cooperatives at associations doon na kumuha ng accreditation sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang makapag-avail ng assistance package.
Paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar, kinikilala nila ang kontribusyon ng mga mangingsida ng Zambales at Pangasinan para masiguro ang fish supply sa bansa.
Noong nakaraang taon, umabot sa 39,604 metric tons ang naging produksyon sa isda ng mangingsida sa Zambales at Pangasinan para sa fish consumption ng Region 1 at 3.