
Nagtakda na ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail prices o MSRP sa karneng baboy sa Metro Manila simula ngayong araw.
Ito ay para salagin ang epekto sa mga consumer ng mataas na presyo habang tinitiyak ang patas na kita sa value chain ng industriya ng baboy.
Sa ilalim ng bagong administrative circular, ang pork liempo ay itinakda sa ₱370 per kilo, habang ang presyo ng kasim at pigue ay hindi tataas sa mahigit ₱330 per kilo sa lahat ng pampubliko at pribadong wet markets sa National Capital Region.
Una rito, nagkasundo ang DA at hog producers na magtakda ng minimum farm-gate price ng ₱210 per kilo na isang hakbang para protektahan ang margin ng mga grower matapos ang nakapanlulumong presyo ng bilihan na nagiging banta sa pagkalugi ng mga nag-aalaga ng backyard at commercial.
Sinabi ng DA Chief na inirekomenda ni Undersecretary for Livestock Dante Palabrica ang MSRP matapos lumitaw sa detalyadong supply-and- demand assessment na sapat ang lokal na produksiyon sa pangangailangan ng Metro Manila.









