Nagtakda na rin ng price cap ang Department of Agriculture para sa mga ibina-biyaheng baboy sa Metro Manila na binibigyan ng transportation subsidy ng pamahalaan.
Ito ay batay sa Memorandum Order No. 13, Series of 2021 na nilagdaan noong February 9, 2021 ni Agriculture Secretary William Dar.
Ang landed cost ng mga baboy na may transport subsidy at farmgate price ay ang mga sumusunod.
Sa Mindanao: P144 + P21 = P165 per kilo
Sa Visayas, Bicol, Mimaropa, at Regions 1 at 2: P155 + P15 = P170 per kilo
Sa Central Luzon at Calabarzon: P170 + P10 = P180 per kilo
Ang mga entitled sa transport subsidies ay ang mga hog suppliers, sellers, raisers, at traders na certified ng regional office ng DA.
Nabatid na nagtakda si Pangulong Rodrigo Duterte ng 60-days na price ceiling sa National Capital Region dahil sa pagsasamantala ng ilang negosyante bunsod ng pagtama ng African Swine Fever sa bansa.
Itinakda rin ang Food Security Summit sa April 7 at 8, 2021 upang matugunan ang problema sa mataas na presyo ng mga bilihin.