Nakahanap na ng solusyon ang Department of Agriculture (DA) para punan ang problema sa supply ng fertilizer sa bansa na dulot ng kaguluhan sa Russia at Ukraine.
Magugunita na naging problema ang logistics dahil sa krisis sa Russia at Ukraine sanhi upang sumirit ang presyo ng fertilizer sa merkado.
Nagbunsod din ito upang maantala ang mga hakbang ng gobyerno na lumagda sa kasunduan sa ibang mga bansa na makapag-supply ng fertilizer sa bansa.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, naghahanap na sila ng scientifically tested na mga biofertilizer kapalit ng urea fertilizer para sa mga magsasaka.
Kaugnay nito ay nakipagtulungan ang DA Philippine Rice Research Institute (DA – IRRI) sa BioPrime 555, isang organic fertilizer ma gumagamit ng nanotechnology sa agrikultura, at ang pinakabagong alternatibong fertilizer sa merkado.
Ang paggamit ng nasabing uri ng fertilizer at makapagbibigay ng 7% hanggang 15% ng pagtaas sa ani ng mga magsasaka na makababawas naman sa production cost ng 50%.
Matatandaan namang nakikipagtulungan na rin ang Pilipinas sa China, Indonesia, Malaysia, at Iran na mga bansang gumagawa ng fertilizer para mababa ang farm input cost na dumoble nitong nakalipas na taon.