DA, nakahanda na para sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng Tropical Depression “Ofel”

Nakahanda na ang Department of Agriculture (DA) na magbigay ng ayuda sa agriculture at fishery sector na posibleng naapektuhan ng Tropical Depression “Ofel”.

Ayon sa DA, may nakalaan nang Quick Response Fund (QRF) ang ahensiya para sa rehabilitasyon ng mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Nakahanda na rin para ipamahagi ang 55,555 bags ng binhi ng palay; 8,051 bags ng binhi ng mais; at 1,169 kilograms ng mga gulay mula Regions 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7 at Region 8.


Bukod pa rito, ang Survival Recovery (SURE) Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation ay ipambabayad sa mga maaapektuhang magsasaka.

Facebook Comments