Pinaghahanda ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa pananalasa ni Tropical Storm Pepito.
Inaasahan na kasi ang pag-landfall ng bagyo sa mga baybayin ng Aurora-Isabela area mamayang gabi.
Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na activated na ang kanilang mga Regional Disaster Risk Reduction Management Operation Centers at patuloy na nakikipag-coordinate sa Local Government Units.
Naka-preposition na aniya ang mga binhi ng palay at mais, gayundin ng mga gamot sa mga alagang hayop.
Pinakilos na nila ang mga field offices na ipagamit ang mga post harvest equipment at facilities sa mga magsasaka na kailangang anihin na ang kanilang mga mature crops.
Nakahanda rin ang quick response fund ng ahensiya para sa rehabilitasyon ng mga lugar na tatamaan ng bagyo.