
Nasa full alert status na ang Department of Agriculture (DA) sa magiging epekto ng Low Pressure Area (LPA) at ng Habagat.
Inactivate na ng DA ang ang kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations (RDRRMO) centers at nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahaan para sa pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang.
Tiniyak naman ng DA na may nakalatag na silang interventions para sa mga maapektuhang magsasaka at mangingisda.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), apektado ng LPA ang Bicol region, Aurora, Bulacan, Quezon, at Rizal.
Habang ang habagat at localized thunderstorms ang magpapaulan naman sa Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, at iba pang lugar sa Central Luzon at CALABARZON.









