Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng inisyal na pinsala at pagkalugi dahil sa epekto ng pananalasa ni Bagyong Fabian at umiiral na Habagat.
Batay sa ulat ng DA, umabot na sa P7.18 million ang nalugi at nasira sa sektor ng agrikultura.
Partikular na nasira ang mga pananim na palay at high value crops sa may 473 ektarya ng agricultural areas at 386 magsasaka sa Central Luzon at Calabarzon.
Tiniyak naman ng DA na may nakahanda na silang interventions para sa mga magsasaka at mangingisda na naperwisyo ng ilang araw ng pag-ulan.
Facebook Comments