Halos P1-bilyon na pondo na ang naipalabas ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Presidential Contingency Fund at Quick Reaction Fund para bayaran ang mga hog raisers na nagkusang patayin ang kanilang mga alagang baboy na dinapuan ng African Swine Fever (ASF).
Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Bureau of Animal Industry Director Ronnie Domingo na nakapag-depopulate na ng 298,844 na baboy sa may dalawampu’t limang probinsya sa bansa.
Gayunman, ayon kay Domingo, ito ay 3% lamang o maliit na numero dahil bumagal ang kaso ng ASF sa panahon ng community quarantine.
Nasa 15% hanggang 20% na lamang ang nagkakasakit na baboy kaya inirerekomendang liitan na ang depopulation zone.
Kabilang sa mga lugar na may mga kaso ng ASF ay sa Visayas at Mindanao area maliban sa mga lugar sa Davao Occidental.