DA, nakikipag-ugnayan na sa US counterpart para bakuna laban sa ASF

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Agriculture (DA) sa kanilang US counterpart para makapag-secure ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, nakikipag-ugnayan na sila sa US-DA para mabigyan sila ng sample ng ASF vaccine na tini-testing na sa Vietnam.

Aniya, may pondong ilalaan ang DA para sa posibleng bakuna laban sa ASF.


Matatandaang 2019 pa nang magsimula ang pagkalat ng ASF sa bansa kung saan naapektuhan nito ang apat na milyong populasyon ng baboy sa bansa.

Ito rin ang itinuturong dahilan ng kakulangan ng supply at pagtaas ng presyo ng baboy sa merkado.

Facebook Comments