Nakikipag-usap na ang Department of Agriculture sa mga bansang Pakistan at India pagdating sa pag-import ng bigas kung kinakailangan.
Nasa dalawang milyon metrikong tonelada ang target na ma-import mula sa dalawang bansa upang matugunan ang kinakailangang import ng bansa.
Isinasapinal naman ng DA ang memorandum of agreement nito sa Pakistan upang maglaan ng hanggang isang metrikong toneladang bigas o nasa 25% ng kabuuang import requirement ng bansa.
Nangunguna ang Vietnam bilang supplier ng Pilipinas sa bigas kung saan ang dalawang bansa ay lumagda ng agreement sa loob ng limang taong quota na 1.5 million hanggang 2 million metrikong toneladang bigas.
Ang inisyatibo ay naaayon sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng iba’t ibang supplier ang Pilipinas pagdating sa bigas at mabawasan ang gastos para maging abot-kaya ang presyo nito para sa mga konsyumer.