DA, nakikipagtulungan na sa BFAR para sa dagdag na suplay ng mas murang karneng baboy at manok


Nangako ang Department of Agriculture (DA) na paparating na ang suplay ng mas murang karneng baboy at manok sa Metro Manila.

Kasunod ito ng ulat na ilang pamilihan ang hindi pa nabibigyan ng murang supply ng baboy at manok.

Ayon sa DA, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa pagdating ng karagdagang suplay ng karne mula Mindanao.


Anila, makikipagdayalogo rin sila sa mga retailers, hog raiser at mga mamimili para matukoy ang mga paraaan para mapababa ang presyo ng baboy at manok sa merkado.

Facebook Comments