Nagkaloob ang Department of Agriculture (DA) ng abot sa P1.5 milyon na halaga ng farm inputs sa mga magsasaka sa Tulunan, North Cotabato na apektado ng malakas na lindol noong October 2019.
Ang farmer beneficiaries ay mula sa pitong (7) barangay ng Batang, Padama, Paraiso, Daig, Magboc, Bacong at New Caridad.
Naipasakamay na kahapon ang mahigit 62 bags ng conventional hybrid corn seeds, 999 packs ng pakbet seeds, 200 kilos ng mungbean seeds at 40 rolls ng High-Density Polyethylene (HDPE) pipes.
Dagdag pa rito ang 50 units ng water plastic drums, 55 rolls ng laminated trapals, 9,201 pieces ng coffee planting materials at 100 bags ng inorganic fertilizers.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga magsasaka, na mula nang tamaan ng lindol noon ay hindi pa nakakabangon sa kanilang mga kabuhayan.