DA, nanawagan sa mga mangingisda na ituloy lamang ang pagpalaot

Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga mangingisda na huwag nang ituloy ang plano na hindi pagpapalaot.

Ayon kay DA Sec. William Dar, sisimulan naman na bukas, Marso 17, ang pamamahagi ng P500 million na fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka ng mais.

Nilinaw naman ni Dar na makakatanggap din ng ayuda ang mga magsasakang nagtatanim ng palay.


May hiwalay kasi aniyang tulong na ibibigay ang pamahalaan sa mga magsasaka ng palay kung kaya’t ang mga nagtatanim ng mais ang tinutukan ng DA.

Bukod sa fuel subsidy ay may iba pang tulong ang pamahalaan tulad ng pagkakaloob ng abono at fertilizers.

Facebook Comments