DA, nanawagan sa PPA na pabilisin ang pagpapalabas ng imported rice na nakatiwangwang sa mga pantalan sa Maynila

Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Philippine Ports Authority (PPA) na pabilisin ang pagpapalabas ng nakatiwangwang na imported na bigas sa mga pantalan sa Maynila.

Batay sa datos ng PPA, mayroong mahigit 888 container vans na naglalaman ng tinatayang 20 milyong kilo ng bigas ang nasa container yards ng mga pantalan sa Maynila.

Ngayong araw pinangunahan ni PPA General Manager Jay Santiago ang pag-inspeksyon sa mga nasabing container van kasama ang media.


Nagpapasalamat naman ang Department of Agriculture (DA) sa mabilis na pagtugon ng PPA sa posibleng isyu ng hoarding ng imported na bigas sa mga pantalan sa Maynila.

Ang pagkaantala sa paglabas ng imported na bigas ay nagdulot ng pangamba sa seguridad ng pagkain, lalo na’t ang bansa ay humaharap sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments