Nilinaw ng Department of Agriculture na maliit na bahagi lang ng produksyon ng sibuyas sa Occidental Mindoro ang may mahinang kalidad.
Kaugnay ito sa naging kontrobersyal na pahayag ni DA-Mimaropa Executive Director Antonio Gerundio na nasisira lang ang mga aning sibuyas sa buong Occidental Mindoro.
Pero, sa virtual presser ng DA, binawi niya ito.
Aniya, hindi umano kumakatawan sa pangkabuuang onion production sa Occidental Mindoro ang kaniyang naunang pahayag.
Partikular lang umano sa Mamburao ang kinakitaan ng mahinang kalidad ng sibuyas.
Maraming umano kasing mga bagong onion growers na hindi pa masyadong mahusay magtanim ng sibuyas.
Kaya, di umano nila masyadong na-manage pa ang peste at sakit na umaatake sa kanilang tanim na sibuyas .
Sa isyu naman ng di-nagagamit na storage facilities, sinabi ni Gerundio na nagkaroon ng overproduction sa lugar at di kinaya ng local storage facilities ang malaking surplus ng sibuyas.