DA, nilinaw na mga mangingisda at corn farmers lang ang kabilang sa ₱500-million fuel subsidy; Rice at vegetables farmers, hinahanapan na ng paraan para matulungan

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na tanging ang mga mangingisda at corn farmers lamang ang makakatanggap ng ₱500-million na fuel subsidy mula sa gobyerno.

Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, pawang ang corn farmers at mangingisda lang kasi ang nasa listahan ng 162,000 na makatatanggap ng tig-₱3,000 na subsidya.

Habang ang mga rice farmers aniya na wala sa listahan ay maaari naman na ilagay sa ibang programa tulad ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) kung saan makakatanggap naman sila ng ₱5,000 na cash aid.


Bukod dito, hinahanapan na rin ng DA ng paraan para mabigyan naman ng tulong pinansyal ang iba pang hindi kasama sa fuel subsidy gaya ng mga vegetables at high-value crops farmers.

Facebook Comments