DA, nilinaw na pansamantala lamang ang ipapatupad na price ceiling sa bigas na epektibo sa Setyembre 5

Pinawi ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ang pangamba ng publiko kaugnay ng direktiba ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magpatupad ng price ceiling sa presyo ng bigas.

Sa eksklusibong panayam ng DZXL-RMN Manila kay DA-BPI Director Glenn Gerald Panganiban, sa takdang panahon ay tatanggalin din ang rice price ceiling kapag stable na ang presyo ng bigas na ibinibenta sa merkado.

Aniya, dapat daw ay tulong-tulong ang lahat para sa food security ng bansa.


Para naman sa mga hindi susunod sa utos ni Pangulong Marcos, maaari umanong magsumbong sa 8888 presidential complaints, Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).

Ang rice price cap para sa kada kilo ng regular milled rice ay ₱41 at ₱45 naman ang kada kilo naman ng well-milled rice.

Facebook Comments