DA, nilinaw na walang katotohanan na may virus na pumapatay sa mga tilapia at hipon sa Taal Lake at Laguna de Bay

Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba kaugnay ng umano’y virus na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga tilapia at hipon sa Taal Lake at Laguna de Bay.

Sa virtual presser ng DA, nilinaw ni Undersecretary Ariel Cayanan na walang outbreak ng sakit sa mga pangisdaan sa naturang mga lawa.

Aniya, ang mga napaulat na fish kill sa Taal Lake at Laguna de Bay ay dahil sa kakulangan sa oxygen na dahilan ng pagbabago ng temperatura sa tubig.


Sa ngayon, ay mino-monitor na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang sitwasyon at pinayuhan ang mga nag-aalaga ng tilapia na magpatupad ng biosecurity measures.

Binabantayan na rin ng BFAR ang movement o transportation ng mga tilapia shrimp fingerlings sa lugar.

Facebook Comments