DA, pababahain ng gulay ang Metro Manila upang isalba sa tuluyang pagkalugi ang mga vegetable farmers sa Cordillera

Aabot sa limang metriko tonelada ng repolyo at sari- saring gulay galing Benguet ang ide-deliver sa Metro Manila at sa iba’t ibang institutionalize buyers upang maisalba ang mga nagtatanim ng gulay sa bagsak na presyo ng kanilang mga produkto.

Dahil sa nangyayaring over supply, naglalaro ang presyo ng Chinese cabbage mula P8 hanggang P20 per kilogram (kg).

Pinalawak pa ang marketing activities ng Kadiwa upang masuplayan ng 5,000 kg ng repolyo ang Metro Manila at ibang pamilihan sa Luzon hanggang Setyembre .


Palalakasin din ng DA-CAR ang iba pang Kadiwa platforms tulad ng Kadiwa on Wheels at Kadiwa Retail stores, na kayang mag-supply ng 24,200 kg ng repolyo at ibang gulay kada linggo.

Facebook Comments