Pag-aaralan pa ng Department of Agriculture (DA) kung palalawigin ang implementasyon ng suggested retail price (SRP) sa mga karneng baboy at manok pagkatapos ng April 8.
Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na kokonsultahin nila ang Department of Trade and Industry (DTI) at maglalabas sila ng anunsyo sa susunod na mga araw.
Ani Reyes, bagama’t unti-unti nang bumabagal ang pamemeste ng African Swine Fever (ASF), tinitimbang nila kung magkakaroon ng pagsipa ng presyo ng pork at chicken products sakaling tanggalin ang price cap.
Tuloy-tuloy naman aniya ang delivery ng surplus na baboy sa non-ASF areas upang suplayan ang pangangailangan ng Metro Manila at kalapit na lugar.
Sa ngayon ay mayroong 261,828 na buhay na baboy at 1,743,385 na kilo ng nakatay na baboy ang idineliver sa Metro Manila.
1,637 na live hogs ang galing ng Calabarzon. Sinusundan ito ng MIMAROPA-840 at Camarines Sur at Sorsogon-775 na buhay na baboy.