Palalakasin ng Department of Agriculture (DA) ang produksyon ng gatas sa bansa.
Sa pakikipagpulong ni National Dairy Administration Administrator Dr. Gabriel Lagamayo kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sinabi nito na paabutin ng 80 milyong litro ang produksyon ng gatas pagsapit ng taong 2028.
Nangangahulugan ito ng 2.5 na mas mataas sa milk output sa susunod na limang taon.
Magagawa ito aniya sa pamamagitan ng dramatic increase sa bilang ng mga hayop na nasa milking line, pagpapalakas ng dairy productivity, pagpapalawak ng networks, at pagtatayo ng mga karagdagang dairy-related infrastructures at pagtataguyod sa consumption ng local milk at dairy products.
Malugod naman na tinanggap ni Laurel ang mga panukala ni Lagamayo.
Base sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) at NDA records, nasa 17,850 metric tons ang naging cattle production noong 2023 na nagbunga ng 0.8% of total milk consumption ng 1.937 million metric tons.