DA, palalawakin ang ASF vaccine-controlled testing

Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang Bureau of Animal Industry (BAI) na palawakin ang controlled testing African Swine Fever (ASF) vaccine sa mga karagdagang lugar sa Luzon, gayundin ang mga rehiyon na itinalaga bilang red zone sa Visayas at Mindanao.

Noong nakaraang linggo, sinimulan ng BAI ang unang round ng pagbabakuna sa malulusog na baboy sa Lobo, Batangas, na tinukoy na ground zero para sa pinakamalaking ASF outbreak mula nang magsimula ang tag-ulan na dala ng Habagat.

Plano ng DA na isama sa kontroladong pagsusuri ang La Union, Quezon, Mindoro, North Cotabato, Sultan Kudarat, at Cebu ng BAI sa paunang 150,000 dose ng mga bakunang ASF.


Ang mga bakuna ay ibinibigay nang walang bayad sa mga magsasaka ng baboy upang suportahan ang kanilang mga pagsisikap sa paglaban sa sakit.

Sinabi ni Secretary Tiu Laurel na ang mga commercial pig farm na matatagpuan sa mga lugar na maraming impeksyon ay makakatanggap din ng mga bakuna sa ASF upang mapangalagaan ang kanilang mga stock mula sa sakit.

Facebook Comments