Patuloy na gumagawa ng mga pamamaraan ang Department of Agriculture (DA) upang mapababa ang presyo ng karneng baboy.
Ayon kay Undersecretary Mercedita Sombilla ng policy planning and regulation ng DA, sinisikap nilang maging epektibo ang mga programa para mapataas ang produksyon ng baboy.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumataas na ang produksyon ng baboy nitong huling bahagi ng 2022 at unang bahagi ng 2023.
Gayunman, aminado si Sobilla na hindi pa naabot ang antas ng produksyon noong bago tumama ang African Swine Fever (ASF).
Aniya, kapag naabot na ang naturang hog production ay tiyak na kasunod nito ang pagpapatatag ng suplay at presyo ng karneng baboy.
Sa ngayon ay malabo pang makamit ang P240-250 na kada kilo ng presyo ng karneng baboy dahil sa kakulangan ng suplay.