DA: Pilipinas, may higit 2-B dollar na export potential sa mga prutas at gulay

Papalo sa multi-billion dollar ang export potential ng Pilipinas pagdating sa iba’t ibang produkto.

 

Ito ang ibinida ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., sa pulong ng Brunei companies at business organizations.

 

Ayon kay Laurel, nasa 2.7 billion dollars ang export potential ng bansa pagdating sa tropical fruits at mga gulay.


 

Mayroon ding 452 million dollars na export potential ang Pilipinas sa isda at shellfish, at 2.2 billion dollars sa processed foods at beverages.

 

Bukod dito, lumalago na rin ang potensyal sa export ng iba pang produkto tulad ng abaca, kape, at seaweed.

 

Kasunod nito ay umaasa naman si Laurel sa mabubuong partnership ng Pilipinas at Brunei pagdating sa agri-trade at agri-business.

Facebook Comments