
Pinaalalahan ng Department of Agriculture (DA) ang mga mangingisda na sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.
Ito’y hinggil sa magiging kondisyon ng dagat dahil sa masamang panahon epekto ng Bagyong Isang at ng habagat.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), mas maiging tiyakin ang kaligtasan ng mga ito at huwag munang lumaot kapag malakas ang alon.
Inabisuhan rin ang mga ito na ipwesto ang kanilang mga bangka sa lugar na hindi ito aabutin at tatangangayin ng tubig.
Samantala, tiniyak naman ng DA na mananatili itong nakabantay at magbibigay ng regular na update kaugnay sa sitwasyon.
Facebook Comments









