DA, pinag-aaralan ang muling pag-angkat ng pulang sibuyas

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) na payagan ang pag-angkat ng pulang sibuyas dahil sa pagtaas ng presyo nito sa lokal na pamilihan.

Ang sinasabing dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas ay bunga ng limitadong suplay.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, sisilipin nila ang mga Bodega ng Bureau of Plant and Industry.


At kung wala na talagang supply, pwedeng magrekomenda ang kawanihan ng mag-angkat ng sibuyas.

Sinabi pa ni Reyes na ang Import Clearance ay para lang sa pulang sibuyas dahil mayroon nang Import Clearance para sa puting sibuyas.

Noong nakaraang Marso, sinuspinde ng DA ang pag-angkat ng mga sibuyas dahil umano sa nangyayaring cartel o monopolyo sa operasyon nito.

Facebook Comments