DA, pinag-aaralan ang pag-aangkat ng baboy para mapunan ang kakulangan sa supply

Nakatutok na ang Department of Agriculture (DA) sa sitwasyon ng suplay ng baboy sa bansa.

Ito’y upang matiyak na may sapat na suplay ngayong paparating na holiday season.

Ayon kay DA Asec. at Spokesperson Arnel de Mesa, tinitingnan nila na kakapusin na ng suplay sa 3rd quarter ng taon.


Kasama sa tinitingnan ng kagawaran ang pag-aangkat ng baboy para mapunan ang 10 araw na inaasahang magiging kakulangan.

Ang shortage ng pork supply ay dulot ng African Swine Fever na matagal nang nagparalisa sa lokal na hog industry.

Facebook Comments