DA, pinag-aaralan ang pag-angkat ng puting sibuyas

Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng pag-aangkat ng puting sibuyas.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, magmumula sa Bureau of Plant Industry (BPI) ang rekomendasyong ito na aaprubahan ni Secretary Francisco Tiu-Laurel.

Sinabi ni Asec. De Mesa na may kakapusan ngayon sa puting sibuyas habang wala namang problema sa suplay ng pulang sibuyas.


Ipinaliwanag pa ng opisyal na layon ng posibleng pag-aangkat na masigurong may sapat na suplay hindi lang para sa ordinaryong consumer kundi para na rin sa industry consumption partikular sa mga hotel, restaurant at iba pa.

Facebook Comments